FIND US

Agrisenso Plus Lending Program


Agriculture Growth and Resource Integration through Strategic and Enhanced Delivery of Support and Opportunities (AGRISENSO) PLUS Lending Program

LAYUNIN

Makapaghatid ng credit assistance na susuporta sa mga small farmers and fishers, Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) at iba pang at iba pang mga kalahok sa agricultural value chain na magpapabuti sa agricultural productivity

TARGET MARKET

  • Small Farmers and Fishers, and ARBs
  • Farmers’ and Fishers’ Cooperatives and Associations (FFCAs)
  • Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) 
  • MSMEs na bahagi ng agricultural value chain
  • Large Enterprises/Anchor Firms na nakikibahagi sa alinman sa mga sumusunod na industriya :
    • Agri-Supply Business
    • Agri-Financing Business
    • Rice Milling 
    • Agri-Farm School 
    • Manufacturer of agri Inputs and types of machinery
    • Agri-Trader, Wholesaler and Reseller of Rice, among other agricultural businesses
  • Agriculture Graduates - Nagtapos ng kursong agrikultura sa ilalim ng scholarship program na sponsored/endorsed ng gobyerno, o may Certificate  na may dalawang (2) taon o higit pa na intensive training sa agrikultura.

MAAARING HUMIRAM

Para sa Small Farmers and Fishers, at ARBs:

  • Hindi bababa sa 18 years old ngunit hindi hihigit sa 65 years old sa panahon ng pag-apply ng loan 
  • May marketable surplus o mabibiling produce na hindi para sa subsistence farming or self-consumption
  • Nagsasaka ng lupa o direktang nagsusupervise ng actual farming operations, o kaya ay leaseholder na mismong nagsasaka ng lupa
  • Nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), Fisherfolk Registration System (FishR) o kaya ay may RSBSA/FishR enrollment stub/ID na may numero at lagda ng Municipal Agricultural Officer (MAO)
  • Kasama sa updated NIA Masterlist para sa mga small rice farmers na nasa irrigated areas

Para sa Farmers’ and Fishers’ Cooperatives and Associations (FFCAs) at Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs)

  • May legal na personalidad tulad ng rehistrado sa Cooperative Development Authority (CDA) o Securities Exchange Commission (SEC)
  • Ang majority ng members ay magsasaka at mangingisda o kaya ay may direktang ugnayan sa mga aktibidad sa agricultural value chain
  • Hindi bababa sa anim (6) na buwan ang kanilang operasyon
  • May Core Management Team (hal. Manager, Cashier/Treasurer at Bookkeeper)
  • May sistema para sa lending operations
  • Para sa mga start-ups: Pamilyar sa planong proyekto

Para sa MSMEs na bahagi ng agricultural value chain:

  • Rehistrado sa Department of Trade and Industry (DTI) o Securities and Exchange Commission (SEC)
  • Walang negatibong record ang borrower at ang Directors/Key Officers
  • May viable project at well-defined source of repayment
  • Walang outstanding loans sa bangko o ibang formal lending institutions para sa parehong proyekto na inaapplyan; at walang outstanding past due loan sa bangko at sa mga conduit nito, kung applicable

Para sa mga Large Enterprises/Anchor Firms:

  • Namamahala ng consolidated or clustered farms o di kaya ay may collaboration/partnership sa mga magsasaka/ARBs at kanilang mga organisasyon, na may cumulative area na 100 hectares
  • Hindi bababa sa tatlong (3) taon ang kumikitang operasyon na sinusuportahan ng parehong credible in-house at BIR-filed Audited Financial Statements 

Para sa mga Agriculture Graduates:

  • Nagtapos ng kursong agrikultura sa ilalim ng scholarship program na sponsored/endorsed ng gobyerno, o may Certificate na may dalawang (2) taon o higit pa na intensive training sa agrikultura 
  • 18 hanggang 35 taong gulang sa panahon ng loan application
  • Maaaring humiram sa loob ng tatlong taon mula sa date ng graduation o date ng Certificate of training

MGA KWALIPIKADONG PANGGAGAMITAN

Para sa Small Farmers and Fishers, at ARBs:

  • Produksyon ng palay, mais, high-value crops o ng mga binhi
  • Fisheries production
  • Pond development/improvement 
  • Pagbili o pagrenta ng mga kagamitan at makinarya sa pagsasaka

Para sa FFCAs, ARBOs at MSMEs

  • Para sa relending o rediscounting sa ARBs, small farmer and/or fisher-members na kasapi ng FFCAs at ARBOs, o upang pondohan ang mga proyekto tulad ng mga sumusunod:
    • Produksyon (palay, mais, high-value crops, binhi) 
    • Fisheries production
    • Pagbili o pagrenta ng kagamitan at makinarya sa pagsasaka  
    • Pagpapatayo o rehabilitasyon ng mga pasilidad (hal. pre and post-harvest operations)
    • Pond development/improvement 
    • Permanent Working Capital
    • Working Capital for Trading Purposes

Large Enterprises/Anchor Firms

  • Pagtustos sa mga proyektong tulad ng mga sumusunod:
    • Pagbili o pagrenta ng kagamitan at makinarya sa pagsasaka 
    • Pagpapatayo o rehabilitasyon ng mga pasilidad (hal. pre at post harvest operations)
    • Permanent Working Capital
    • Working Capital for Trading Purposes

Large Enterprises/Anchor Firms

  • Produksyon ng palay, mais, high-value crops o mga binhi
  • Fisheries production
  • Pond development/improvement
  • Pagbili o pagrenta ng mga kagamitan o makinarya sa pagsasaka
  • Agri-agra related automation o digital system

LOANABLE AMOUNT

  • Hanggang 90% ng kabuuang production cost para sa production loan 
  • Hanggang 80% ng kabuuang acquisition cost o project cost para sa fixed asset acquisition 

LOAN FEATURES

Interest rate - Small Farmers and Fishers, and ARBs (Direct Lending) 4.0% per annum (p.a.) fixed under blended funding
Interest rate - Agriculture Graduates Prevailing rate sa panahon ng availment ngunit hindi bababa sa 7.0% per annum para sa STL/STLL at 7.5% per annum para sa TL
Interest rate - FFCAs, ARBOs, MSMEs at Large Enterprises/Anchor Firms Batay sa prevailing rate sa panahon ng availment at credit rating ng borrower, ngunit hindi bababa sa 6.5% para sa STL at 7.0% per annum para sa TL
Tenor Para sa STL: Hanggang 360 days na Promissory Note (PN) batay sa production cycle o project cashflow, pwedeng bayaran ng lump sum Para sa STLL: Hanggang 360 days na Promissory Note (PN) batay sa production cycle o projected cashflow, pwedeng bayaran ng lump sum; renewable para sa working capital Para sa TL: Higit sa isang (1) taon hanggang sampung (10) taon, batay sa production cycle o project cashflow ngunit hindi mas mahaba kaysa sa economic useful life of asset; pwedeng bayaran monthly, quarterly, semi-annually o annually

DOCUMENTARY REQUIREMENTS

Para sa Indibidwal na ARBs at Small Farmers:

Pre-processing

  • Loan Application Form
  • Certified True Copy of Land Title or MARO Certification for ARBs (for Non-Owner Tillers, documents acceptable to the Bank such as MAO or BARC Certificate of Tillage, Notarized/Barangay Captain Certified Lease Contract/Deed of Sale/SPA, Tax Declaration, etc)
  • Patunay na pagtala sa RSBSA/Fisherfolk Registration System (FishR) o enrollment stub/ID na may numero at lagda ng MAO
  • Endorsement ng DAR para sa ARBs o NIA para sa rice farmers na nasa irrigated areas
  • Patunay na pag attend-sa Loan Orientation, Financial Literacy or katulad ng training/seminars
  • Pro-forma invoice of fixed assets to be acquired, kung applicable

Para sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag sa:

24/7 LANDBANK Customer Care Hotline
Metro Manila: (02) 8405-7000
PLDT/Smart Toll-Free Number: 1-800-10-405-7000
E-mail us via: customercare@landbank.com 


I-follow ang LANDBANK Official Social Media Sites
Facebook  |  X (formerly Twitter)  |  You Tube  |  Instagram  | 
Viber Community |  LinkedIn |  Tiktok